As much as possible, gusto ko maging friends mga ex-partners ko.
For some reason, I know for some time, minahal ko din tong mga gagong to!
Kidding aside, shempre may nakita akong magandang qualities sa kanila at hindi lang dahil masarap sila. Haha... :p
Etong si kulet, we had a fall-out January 2010. As in hindi magandang eksena dahil nasa mall kami at dun kami nagsisigawan at nagmumurahan. Yes, you read it ryt, nagmumurahan! Kaya I told myself last na yun. Sa ibang araw ko na ikukwento yun.
Almost 3 years din kami at 1 year since we lived in the same house. Yes, we tried living in, a first for both of us.
For more than year now, and after several failed relationships ko (I had 3 in a year! Ganda lang, ika nga! Hahaha), we finally had a closure one evening somewhere in Makati. I felt relieved. And I also mentioned that I have a partner already though we had some issues too.
Last night, we had a text brigade:
Ex: May prob ba?
Me: Wala naman. Bket mo naitanong?
Ex: Kase parang wala kang gana magtext eh. I just thought na baka may prob ka. Concern lang.
Me: (Walang kilig, pramis) Ah ok. Im gud. Shempre di naman na tayo kaya may magbabago talaga at may partner na akong bago.
Ex: Ahh.. nde na ako sanay sayo eh. Topak, may sasabihin pala ako sayo...
Me: Sige gow, watch lang ako Mara Clara (naadik ako dito, pramis! Sa kaiiyak ni Mara, sa malditang si Clara, sa hayuf na si Gary, sa tangang Alvira at Amante! Makakalimutan ko ba ang super funny na sosyalerang si Desiree aka Kiray? Haha. Kabisado ko di ba?)
Ex: Pag 35 k na at nagkataon na single ka at single ako, tayo na lang ulet? Hehehe...
Me: Nyek, 3 years from now na yun. Tsaka happy na ako ngayon...
Ex: (Fan yata ni jaworki eto, never say die!) Shempre iba na yun, nag iba na tayo. Madami ng nagbago sa ugali at pananaw naten. (Nababago nga ba ang ugali in just 2-3 years? Ganun kadali?) Naisip ko lang kase lifetime na yun. Yung ako na nag-aalaga sayo pag may sakit ka at matanda ka na :) wala lang. (so 3 years from now pala matanda na ako, pano na yung 50 by then, ano na sila, ingkong??)
Me: Pero its too early to say. And up until now, wala pa ko binabalikan sa mga ex ko. (Yes, my fellow readers, wala pa talaga. Kase even before I gave up, I made sure I tried my best to save what's left of our relationship. Winner di ba?)
Ex: Naisip ko lang naman. Kung sakaling single tayo pareho. Shempre as much as possible gusto naten na may kasama tayo sa pagtanda. (I care about my job, sir, I care about you! Gawin ba kong caregiver? hehe)
Me: Kuntento na ako as friends. Mas magtatagal tayo as friends kesa partners.
Ex: (Never say never talaga tong si Justin Bieber este si Ex) If ever dumating yun, I'll still do my best to win you back :). Kahet gaano kahirap pa. I'll prove u na its worth a try.. Again!
Me: (speechless)
Ex: I was single for 4 years before u came, I dont mind waiting another 4 years kung yung taong mamahalin ko is worth it. Napasagot kita nuon (Yes, you heard him ryt, nanligaw at nag antay sya na mahalin ko. Abot ba jan haba ng hair ko?? Hihihi) coz nakita mo kung gaano ako kaseryoso sayo, nakita mo na malinis hangarin ko.
Me: Matulog ka na, puyat lang yan! (panira ng moment) Hahaha...
Is there really a second chance? Will it be really worth it?
Im happy and contented with my current relationship running 5 months already. So what he's telling me is indeed a "wishful thinking".
I will stick to what I have been believing from the start, no second chances for me. Coz even before we parted ways with all of my ex's, I made sure I made only one thing: save it. So if I gave up, there's no turning back for me. For I only allowed myself to get hurt once, just once, so I only got you to blame. The 2nd time around that I got hurt by the same people, I'm already at fault.
SUPER LOVE the last paragraph.
ReplyDeleteI am never friends with any of my exes. As much as possible, while any spark of hope is salvageable, I try to make things work. If we finally decide to part ways, that's it.
I can only cry as much as I can. After that, no more. You can only be part of my life ONCE.
Hmm. Kahit di ako kasing bitter ni Seth (peace tayo! :p), nakikita ko ang point niya. Pag may nagawang foul, wag na. Bastusan kasi yun ng pagkataon. Paano pa kayo magiging friends nun?
ReplyDeletePero, kung amicable split naman, why not? Try lang naman. Pag di talaga okay, wag pilitin.
Naku ang 2 kong super blog-friends...hehe.. thanks for the input. Appreciate it!
ReplyDeleteAko naman, ok lang na maging friends kami pero it will definitely take time talaga especially if the ending is not really good. Ayoko ko kase magtapon ng tao, lalo na at minahal ko ng minsan. (parang title lang ng serye! LOL)
Naisip ko din kase, di man kami nagtagal as partners, Im sure if we end up friends, then pang forever na yun. :D
I keep reading your posts! I am a fan of the 2 of you!